Ang Paboritong Libro ni Hudas
14 Nov
Sa pangalawang pagkakataon, naaliw pa rin ako sa katapusan ng librong ito. Hindi pa kasi ako gumagawa ng mga review nung una ko siyang binasa at hindi ko naman kasalanan kung ung ineengganyo kong magbasa ang librong ito ay di na nakapagbalik ng kopya ko, kaya ayun, bumili ako ng bago at binasa ko na lang ulit.
Para sa akin, hindi sayang ang Php 180 ko sa librong ito (at sa iba pang libro ni Bob Ong) at kahit pa pangalawang beses ko na ito bibilhin. Kumpara sa ibang librong nabasa ko, di hamak na mababaw talaga ito pero akmang akma talaga sa timpla ng Pinoy ang ganitong tema. Hindi naman sa sinasabi kong mababaw ang Pinoy, “street-smart” kasi yung libro, napakakaswal ng dating at hindi pinilit maging makatotohanan. Yung mga linya sa libro ay di malayo sa pwede kong marinig sa kanto o sa mga pwede kong ihirit kung saka-sakali.
Ang Paboritong Libro ni Hudas ay isa lamang maikling kuwento na siguro’y mga 1/8 lang ng buong libro pag pinagsama-sama mo. Ito ang sinusundan ko nung unang beses ko siya binasa at totoong di ko maiwasang mayamot sa mga istorya, opinyon at paglalarawan na nasa pagitan ng bawat eksena patungkol sa istorya. Nagsimula ang kuwento sa isang eksena tungkol sa isang lalaki na tila kakamatay lang. Nagkaron siya ng diyalogo sa isang tao na hindi niya kilala o maarok kung sino. Ang mga diyalogong ito ang aabangan mo sa pagitan ng pitong dibisyon. Ang mga dibisyong ito ay tila kumakatawan sa mga iniisip, tanong, pananaw at buhay ng kakamatay lang na nilalang. Kahit pito lang sila, may mga pagkakataong di ko sila mapagtugma at nito lang, nang binasa ko siya sa pangalawang beses na mas napagukulan ko siya ng pansin.
Ang pitong dibisyon na ito ay may mga kakaibang titolo:

